Dalawang relihiyon, isang hangarin
Masasabi natin na kakaiba...
kasindak-sindak...
at talaga namang magara...
ang mga imaheng ito na nagpapakita ng pagsamba sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Sila ay mga Rizalista, at sila rin ay mga Kristyano.
Tara at isa isahin natin ang iba't ibang lugar at bagay na pinahahalagahan nila, tulad ng isang ilog na pinaliguan ni Hesus, ang pasukan ng Herusalem, ang Aklat ng Buhay, ang Kweba ng Husgado, at di papahuli ang krus ni Kristo. Ang kakaiba dito? Lahat sila'y matatagpuan sa Pilipinas mula noong binuhat ang mga ito ng mga anghel mula Herusalem.
A. Ang ilog ng binyag
Naniniwala ang mga deboto ni Jose Rizal na dito rin mismo bininyagan si Hesus tulad na lamang ng ilog Jordan. Ngunit sabi nga ng mga nakatira dito, "Hindi ito parang ilog Jordan, ITO ang ilog Jordan."
Ang ilog ay katamtaman lamang ang taas malapit sa mga gilid nito para paliguan. Marami rin ang dumadayo dito upang binyagan ang mga relikaryong binili mula sa mga tindahan malapit sa ilog mismo.
B. Lagusan ng Herusalem
Isa sa mga unang napansin namin (siguro'y dahil nasa harapan ito?) kaagad ay ang lagusan ng complex 1. Makikita ang maraming watawat ng iba't ibang bansa sa mismong pinto, upang ipakita raw ang sakop ng kabutihan ng Diyos. Makikita rin ang dalawang espada na nakabantay sa taas ng lagusan. Ito'y sumisimbolo sa naging laban ng KKK sa mga kastila noon. Ngunit makikita rin ang inskripsyon na "kapayapaan", masasabi nating ang mga Rizalista ay mapapayapang tao, tulad ng ginusto ni Jose Rizal.
C. Aklat ng Buhay
Wala man kaming nakuhang litrato nito, sinabi sa amin ng aming kasamang nakatatanda na ang Aklat ng Buhay (Book of Life) ay tulad din ng talaan ni San Pedro. Matatandaan natin na ang talaan ng pangalan ni San Pedro ay naglalaman ng mga pangalan ng lahat ng tao at ang kanilang mga nagawa. Ganoon din daw ang Aklat ng Buhay, isang aklat kung saan nakatala ang mga ginawa mo sa buhay.
D. Kweba ng Husgado
Ang Kweba ng Husgado o tinawag din na Ina ng Awa, ay isang kweba na banal sa mga Rizalista.
Sinasabi ng mga lokal dito na kapag nakalabas ka ng walang galos sa kwebang ito ay 7 na taon ng pagkakasala mo ay mapapatawad. Binibigyang diin ng aming mga guro sa ang kwebang ito ay hindi talaga kweba, ngunit isang mahabang butas lamang na nabuo mula sa pinagpatong-patong na mga bato.
[Trivia: Kahit sa sobrang sikip ng daluyan nito, nagkasya pa rin daw kahit si Jessica Soho (kailangan i-beripika)]
E. Ang Krus
Ang Krus na ito ay matatagpuan sa bagong Kalbaryo. Matatandaan natin na ang Kalbaryo ang bundok kung saan ipinako si Hesus. Ang Krus na ito ay may habang ~240cm (mula sa aming komputasyon) pataas. Nakababahala nga lamang na sa batuhan ito naka baon, mabuti na lamang na may mga lubid na bakal para di ito matumba.
Trivia: Ang "Crucifix" ay krus na may imahe ni Hesus, samantalang ang "Cross" ay krus lamang na walang imahe ni Hesus.
1-2. Ano ba ang pinagkaiba nila sa atin base sa paniniwala? Ipaliwanag
Kung tayo ay may Trinidad, o ang Diyos, si Hesus, at ang Espiritu Santo, sinama rin nila si Jose Rizal at isang babae na tila kamuka ni Maria sa unang tingin ngunit hindi raw sila pareho. Ang kanilang mga rosaryo ay may simbolo ng mapagmatyag na mata ng Diyos, o ang "all-seeing eye". Sa kanilang mga simabahan ay may imahe ng mga bayani maliban na lamang kay Aguinaldo sapagkat taksil daw ito dahil sa pagpapapatay nito kay Andres Bonifacio. Bukod doon ay kalat sa kanilang simabahan ang kulay ng watawat ng Pilipinas, ngunit nakasentro ang kulay puti sapagkat kapayapaan daw ang hangad ni Jose Rizal.
Base sa mga ginawa namin sa iba't ibang pamumumwesto sa complex, masasabi rin namin na tila mas maaksyon ang pagsamba ng mga Rizalista kaysa sa atin. Sila'y matitindi ang sakripisyo, matataas na inaakyat, maputik na daanan, madulas na mga batuhan, at kwebang puno ng kadiliman at kasikipan, talga nga namang debotong deboto sila sa kanilng paniniwala. Mas disiplinado sapagkat talagang malinis at di nag iingay malapit sa kanilang mga simbahan. Pati kweba, napakalinis.
3. Moralidad
Mula sa kanila'y marami kaming natutunan. Malaki ang kabayaran sa pagkakasalang panggagahasa, paglalasing, pagsuagal, at iba pa. Sa aming pag-akyat sa Kalbaryo ay natutunan ko ang kabutihan ng mga di mo kilalang tao, kung sino paa silang di mo kakilala masyado ay sila pang tumulong sa iyo. Matuto rin sana na magbigay ng tulong sa mga kaibigang pagod na, yoon na siguro ang aral ng kalbaryo, walng iwanan. Pati na rin ang leksyon na kahit anong kasalanan, gaano man kabigat, ay napapatawd bast'at pursigido kang humingi ng tawad. At pinakahuli, pero pinaka-importante, matutong gumalang sa paniniwala ng iba. Kung sa mga mata mo'y kakaiba ka, ikaw rin ay kakaiba sa mga mata nila.
[Mga mensahe para sa mga guro:
1. Di po gumagana ang "Tab" sa blog na ito.
2. Sa lahat ng pagkakataon ay ang grupo namin ang pinagbabawalan kumuha ng litrato't video
]
No comments:
Post a Comment